H A B S ([info]habster) wrote,
  • Mood: puro slackers. hehe

Training day..

Another new adventure in the office!

I was assigned today to train a new person for our outsource project. First time ko mag-train, pero kaya ko naman. Ang lagay lang eh parang nakulangan ako ng gagawin. Wala kasi akong ibang gagawin kundi tutukan sya at turuan ng bawat aspeto ng trabaho namin. Kaya ang nagagawa ko lang ay magsulat dito sa notebook ko ng mga isusulat ko dito. At eto na nga.

Habang ginagawa pa nya ang dapat nyang gawin, dahil sa ngayon marami na syang natutuanan, ay dito muna ako sa LJ ko.

Busy ka ba talaga? Owz?

Ngayon ko lang na-summarize na may mga tao talagang sabi ng sabi na busy sila sa kahit ano pang ginagawa nila sa opisina. Pero nang ma-obserbahan ko - busy nga ba talaga sila?

Naiintindihan ko na kapag busy ang tao ay nakakalimot sya sa mga ibang pabor na gusto ipagawa sa kanya. Ito naiintindihan ko pa, dahil kahit ako ganito. Pero, paano naman ang mga halimbawang ito:

Sinasabi mo bang busy ka pero ang totoo ay may ginagawa ka lang at ayaw mong paistorbo? Trabaho sa opisina? Hindi, pansarili. Nag-iinternet ka. May ka-chat ka sa YM. At nasa opisina ka.

Sinasabi mo bang busy ka at wala kang oras para makipagusap? Pero ang totoo may oras ka makipagusap sa mga ka-department mo? Bakit? Dahil ang lapit mo lang sa kanila? Dahil ba close ka sa department mo? Aba, napakapatas mong tao!

Sinasabi mo bang busy ka dahil marami kang ginagawa ngayong araw na ito at kailangan mong makatapos? Talaganun ba? Pero bakit punta ka naman ng punta kung saan-saan, at nakiki-jamming ka pa sa ibang department, or tumatambay ka pa para maki-usyoso lang?

Sinasabi mo bang busy ka dahil kailangan mong maka-quota today? Talagarili? Eh bakit antatagal nyo mag-break at maya't-maya eh tawanan kayo ng tawanan diyan? Mag-tawanan kayo pero dapat tapos ang trabaho nyo at wag kang aangal-angal na busy ka ngayon. Bakit? Busy ka sa mga bagay na gusto mo busy ka at wala kang oras sa iba mong kaibigan o kaopisina? Namimili ka ba ng kaibigan o nang gusto mo pagtiyagaan ng oras mo?

Pero pag inimbita ka ng birthday celebration ng ibang department, hindi ka man lang mahihiya! Sasama ka talaga! Nung nag-birthday yung sa inyo, d man lang kayo nag-yaya. Ganyan, ang halimbawa, ng taong puro sa kanya lang gusto pumupunta ang grasya.

All is fair, in love and war, ba talaga? O, all is fair, as long as I choose what I want? It's the same as choosing your friends.

Pic of the day (Click to enlarge)

Free Image Hosting at www.ImageShack.us

Enlarge required. May storyboard 'yan.

  • Post a new comment

    Error

    Your reply will be screened

    Your IP address will be recorded 

  • 0 comments
Create an Account
Forgot your login or password?
Facebook Twitter More login options
English • Español • Deutsch • Русский…